- BULGAR
SOARING FALCONS, NAGAPI ANG ASTIG NA DLSU ARCHERS

SA wakas, sa loob ng tatlong taong pag-upo ni coach Franz Pumaren, nagapi din ng kanyang koponang Adamson University ang De La Salle, 57-50, kahapon sa second round ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Nakabawi ang Soaring Falcons sa nalasap na 78-79 overtime na kabiguan sa Green Archers noong first round.
Bunga ng panalo, umangat ang Adamson sa markang 7-2, panalo-talo habang ang Green Archers ay bumaba sa 5-4 na kartada at nanatiling nasa ika-4 na puwesto. “We treated this game as a game that we need to win because of the standings and we’re hoping we can sustain this position right now,” pahayag ni Pumaren na nakatikim din sa wakas ng panalo kontra sa dati niyang koponan matapos ang unang pitong kabiguan.
“What really transpired was it really showed our defense,” ayon pa sa Falcons mentor na tinutukoy ang depensa nila sa huling bahagi ng fourth quarter.
Nanguna si Sean Manganti para sa nasabing panalo ng Adamson sa ipinoste niyang 19 puntos at 12 rebounds kasunod si Papi Sarr na may double-double ding 12 puntos at 15 boards. Sa panig naman ng Green Archers, nanguna si Aljun Melecio na may 18 puntos at 8 rebounds. (VA)
Mga Laro Ngayon: FilOil Flying V Center:
2 pm UST vs. NU; 4 pm UP vs. UE