- Madel Villar
Simbahan sa mga Pinoy | MAGKAKAMAG-ANAK, SIKAT HUWAG IBOTO

PINAYUHAN ng isang opisyal ng Simbahang-Katolika ang mga botante na pumili ng mga kandidatong hindi sikat sa darating na halalan.
Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Commission on the Laity ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bumaba na nang husto ang political system sa bansa dahil sa mga trapo o ‘traditional politician’ at mga pulitikong kabilang sa tinatawag na political dynasties.
Kaya naman, payo ni Pabillo sa mga botante, huwag iboto ang mga trapo at miyembro ng political dynasties.
Giit ni Pabillo, namamayagpag ang mga political dynasty dahil ibinoboto sila.
Payo pa ng Obispo sa mga botante, magsaliksik nang mabuti sa background at track record ng mga kandidatong hindi kilala.
“Let us not believe on what they promise. It is not what they say they will do that show them their worth, but what they had done, both in their personal lives and in their public service,” ayon pa kay Pabillo.
Hindi rin aniya dapat gawing batayan sa pagboto ang pagiging ‘winnable’ ng isang kandidato, pangunguna sa survey o dahil sa name recall o kanilang partido.