Search
  • BULGAR

Sickness and maternity benefits payment thru-the-bank program ng SSS, alamin!

ATTY. ART AMANSEC / BUTI NA LANG MAY SSS

Dear Atty. Art,

Magandang araw! May-ari ako ng maliit na travel company. Kamakailan, mayroon akong empleyado na nag-file ng SSS sickness benefit at ang sabi sa akin ng empleyado ng branch, dapat daw akong magbukas ng bank account para roon na ipapasok ang bayad sa SSS bene­fits ng aking mga empleyado. Gusto kong itanong kung tama ba ito? — Jaime Rado ng Quezon City

Sagot

Kinakailangang mag-enroll ang employer sa Sickness and Maternity Benefits Payment thru-the-Bank Program (SMB-PB) dahil dito idedeposito ng SSS ang kabayaran sa benepisyo sa pagkakasakit at panganganak.

Noon, binabayaran ng SSS ang benepisyo sa pagkakasakit at panganganak sa pamamagitan ng tseke na ipinadadala sa employer gamit ang koreo. Ngayon lahat ng pagbabayad ng benepisyo ay sa pamamagitan na ng bank account ng employer.

Pinabilis ng programang ito ang pagbabayad ng benepisyo sa pagkakasakit at panganganak. Hindi na maghihintay ang employer na dumating ang tseke na ipinadadala sa koreo na umaabot ng isang buwan bago makarating sa mailing address ng employer.

Upang makapag-enroll sa sistemang ito, maaaring i-download ang enrollment form sa SSS website, bisitahin ang pinakamalapit na sangay ng SSS at kumuha ng form mula sa SSS-accredited bank. Kinakailangan na ang nakapirma sa enrollment form ay itinalaga ng employer o ng board of directors ng kumpanya bilang awtorisadong pumirma sa bank record. Ang itinalagang awtorisadong pumirma alang-alang sa kumpanya ay dapat magsumite ng SSS Form-L501 o Specimen Signature Card na sinertipikahan ng kanyang employer.

Matapos nito, isusumite ng employer ang dalawang kopya ng form sa itinakdang SSS-accredited bank. Sesertipikahan ng bangko na tama ang mga impormasyon tungkol sa bank account. Ipapasa ng bangko ang form sa SSS upang iproseso ito. Gayundin, maaaring alamin ang estado ng enrollment sa pamamagitan ng My.SSS kaya mahalaga na ang employer ay nakarehistro rin sa My.SSS.

Gayunman, kung mayroong anumang mga pagbabago sa impormasyon sa bank account o pagsasara ng bank account, dapat agad itong maipagbigay-alam ng employer sa SSS upang maiwasan ang pagkaantala sa pagproseso ng mga pagbabayad ng mga benepisyo.

Nawa’y nasagot namin ang iyong katanungan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.