Search
  • Maeng Santos

Parak binentahan, 2 timbog sa shabu

MAHIGIT P100,000 halaga ng shabu ang nakum­piska ng mga pulis sa dala­wang hinihinalang drug pu­shers na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang mga na­aresto na sina Timhar Ad­dang, 23, ng Bgy. Culiat, Que­zon City at Noren San­tiago, 41, ng Bgy. Gen. T. De Leon.

Ayon kay PO1 Jezell delos Santos, alas-10:00 ng gabi nang ikasa ng mga ope­ratiba ng Station Drug En­forcement Unit sa pangu­nguna ni PCI Antonio Naag ang buy-bust operation kon­­tra sa mga suspek.

Nagawang makapag­transaksiyon nina PO2 Ken­neth Geronimo at PO2 Mi­cahel Castro na nagpanggap na poseur-buyer sa mga sus­pek ng isang plastic sachet ng shabu na nagkakahala­gang P2,000.

Nang magkaabutan na, agad lumusob ang mga na­kaantabay na operatiba saka inaresto ang mga suspek at narekober sa mga ito ang tatlong plastic sachets na nag­lalaman ng nasa 16 grams ng hinihinalang shabu na nasa P108,000 market value at buy-bust money.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.