NPA, inalok ni P-Digong ng pabahay, ganu'n lang kababaw?

PAREHONG nagbuo ng tiket ng mga kandidato ang PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago sa local levels.
Kumbaga, zona libre!
◘◘◘
HINDI ordinaryo ang ganyang sitwasyon.
‘Yan din ang ating nasaksihan nang makopo ng Liberal Party ang gobyerno.
Nahati rin ang partido sa mga oportunistang kandidato.
◘◘◘
INAAKALA kasi ng mga kandidato na may “dambuhalang badyet” mula sa PDP-Laban at HNP.
He-he-he!
◘◘◘
INAALOK ng pabahay ni P-Digong ang mga susukong NPA.
Ganu’n kababaw ang kanilang ideolohiya.
◘◘◘
UNTI-UNTING lumilinaw ang ebidensiya na may naipuslit na P6.8 bilyong shabu gamit ang magnetic lifters sa Cavite.
Pero, wala lang, ganu’n lang!
◘◘◘
MAGKAKAROON ng SRP ang bigas.
O, eh, ano ngayon?
◘◘◘
DUMADALAS na naman ang krimen sa kalye.
May “alaga” na naman ang mga parak!
◘◘◘
WALA nang lumalabas na Santa Claus.
Baka namulubi na rin?





Comments