Lolo dedbol sa van
NUEVA VIZCAYA—Isang 76-anyos na lolo ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van, kamakalawa sa Bgy. Busilac, Bayombong sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Andres Bulanadi, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, tumatawid umano sa kalsada si Bulanadi nang aksidenteng mabangga ito ng van na minamaneho ni Jed Guerrero, nakatira sa Solano sa nasabing lalawigan.
Dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide ang suspek.





Comments