- ROMA AMOR
Fresh graduate na dehins knows kung ano ang gagawin dahil hindi pa rin tinatawagan ng mga kumpanyang
Dear Roma,
Ako si Axel, gusto kong humingi ng advice sa inyo. Mahigit limang buwan na noong gumradweyt ako sa kursong Tourism Management. Sinubukan ko kaagad mag-apply pagka-graduate ko, pero hanggang ngayon ay wala pa ring tumatanggap na kumpanya sa akin. May mga nagsasabi sa akin na subukan ko munang mag-apply sa ibang klase ng trabaho para kahit papaano ay may magawa naman ako at may pagkakitaan. Sa totoo lang, napapagod na ako sa kaa-apply at kung minsan, napapaisip ako kung sapat ba ang mga kaalaman na meron ako? Roma, ano sa tingin ninyo ang dapat kong gawin? — Axel
Axel,
Ganyan talaga ang buhay pagkatapos ng kolehiyo. Huwag kang malungkot kung wala pang kumpanyang tumatanggap sa iyo. Parte ‘yan ng paghahanap ng trabaho, kaya relaks ka lang at hintayin mo ang para sa iyo. Ang maipapayo namin ay humanap ka muna ng ibang puwedeng pagkakitaan o ibang trabaho na hindi related sa kurso mo na puwede mong mapasukan habang hindi ka pa tinatawagan ng mga in-apply-an mo. Kaya mo ‘yan, bro. Go, go, go! Good luck!