BEER, NAGKATUNGGAAN VS. TNT SA PANGASINAN
- BULGAR

- Oct 21, 2018
- 2 min read

NILAGOK ng San Miguel Beer ang pangalawang sunod na panalo matapos lasingin ang TNT KaTropa, 107-96 kagabi sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors Cup sa Calasiao Sports Center sa Calasiao, Pangasinan.
Tumipa si import Kevin Murphy ng 27 points, 10 rebounds at siyam na assists upang ilista ang 4-4 karta para sa Beermen.
Pukpukan ang laban sa first at second quarter, nakaungos ng bahagya ang KaTropa, 54-50 sa halftime. Nanatili sa unahan ang TNT sa third period, 80-75 bago tumukod sa 4th.
Samantala, magtutuos ang Alaska Aces at Blackwater Elite para sa top spot sa team standings sa Araneta Coliseum. Tangan ang tig-6-2 records, magsisimula ang banatan ng Aces at Elite sa 6:45 p.m. kung saan ang mananalo ay sasalo sa Magnolia Hotshots at Barangay Ginebra.
Tiyak na matindi ang bakbakan dahil pareho silang may tsansa sa top 4 at makakuha ng twice-to-beat incentive sa quarterfinals.
Bukod sa apat na teams na nabanggit, puwede rin na makasingit sa insentibo ang kasalukuyang nasa fifth spot na Phoenix Fuel Masters na hawak ang 6-3 card. “Parang playoff stage na ito para sa amin,” saad ni Blackwater Elite coach Bong Ramos.
Alam ni Alaska coach Alex Compton na magiging mahirap sa kanila ang laban kaya inabisuhan nito ang kanyang mga tropa na ibigay ang lahat para makuha ang panalo.
Hindi masaya si Compton sa 104-94 panalo nila sa Columbian Dyip ng nakaraan. “We won the game, but I’m really unhappy the way we played,” ani Compton. “I think we’re a stronger team than Columbian, but I don’t think that we played the way we were supposed to.” Maghaharap sa unang laro ang Rain or Shine E-Painters at Meralco Bolts (4:30 p.m.). (ATD)
Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)
4:30 p.m. - Rain or Shine vs Meralco
6:45 p.m. - Blackwater vs Alaska





Comments