top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 tulak tiklo sa drug-bust

Pabs Hernandez III
Oct 21, 2018
1 min read

BATANGAS—Dalawang drug pushers ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Cahil, Calaca sa lalawigang ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Agapito Pitong at Benjie Manalo, kapwa residente sa nasabing bayan.

Nabatid na sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ng dalawang suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte at dito nakumpiska ang 12 sachets ng shabu.

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page