2 armado tepok sa checkpoint
CEBU—Dalawang armadong lalaki ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagmamando ng checkpoint, kamakalawa sa Bgy. Balud, Dalaguete sa lalawigang ito.
Ang dalawang suspek ay nakilala sa mga alyas na “Raffy” at “Berting”, kapwa walang tiyak na tirahan.
Ayon sa ulat, sinita ng mga awtoridad sina “Raffy” at “Berting” sa police checkpoint, pero imbes magpakapkap ay biglang bumunot ng baril ang mga suspek at agad pinaputukan ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang dalawang suspek.





Comments