15 years old pa lang daw, mabenta na… ZEUS, UMAMING MATAGAL NANG PINAGMA-MACHO DANCER


NAGHAHANDA na ang Hashtags member na si Zeus Collins para sa kanyang second dance concert titled The Dance Machine na gaganapin sa Nov. 3 sa SM Skydome. This time, better and bolder daw than the first one na ginanap more than a year ago.
“‘Yung mga hindi po nila napanood noong unang concert ko, siyempre, may mga bago pong mangyayari rito sa pangalawang concert ko,” sey ni Zeus sa ginanap na presscon last Wednesday.
Mukhang itotodo na nga ni Zeus dito sa 2nd concert niya dahil talagang sobra-sobrang preparasyon ang kanyang ginagawa like jogging at training sa gymnastics para sa kanyang stamina.
Dahil magaling sumayaw, naitanong kay Zeus kung sumagi ba sa isip niyang mag-macho dancer nu’ng bata-bata pa para mas kumita nang malaki.
“Dapat po, matagal ko nang ginawa ‘yun kung wala akong talent sa pagsasayaw,” sambit niya.
“Ako po, galing po talaga ako sa mahirap na pamilya. Simpleng tao lang po kami. Merong mga nag-o-offer kasi siyempre, ‘yung katawan ko po, mga 15-17 pa lang po ako, may mga nag-o-offer sa akin na pumasok po ako sa ganu’n, mga gay bars, magma-macho dancer, pero hindi po pumasok sa isip ko na parang kailangan kasi kailangan ng pamilya ko.”
That time ay kinukuha na rin daw siya ng ibang grupo para sa mga karaketan sa pagsasayaw kaya kumikita na rin siya and there was no need na kumapit pa sa patalim, ‘ika nga.





Comments