- Paul Lamsen
Tanod niratrat sa Bgy. hall, utas
DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang tanod makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki sa Bgy. Bonuan Binloc, Dagupan City, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Gerry Bangsal, 49, may asawa, naninirahan sa nabanggit na lugar.
Ayon sa imbestigasyon, naka-duty ang biktima sa talipapa sa harap ng barangay nang dumaan ang dalawang armado na lulan ng isang motorsiklo.
Pagtapat sa kinaroroonan ng biktima, mabilis na bumunot ng baril ang angkas saka pinagbabaril ang biktima sa dibdib na sanhi ng pagkamatay nito.