top of page
Pokwang.jpg

MAINIT ANG BAKBAKANG DLSU, ADAMSON, FEU AT ATENEO

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2018
2 min read

MAS maiinit na bakbakan ang inaasahang matutunghayan ngayong hapon sa pagsabak ng apat na nangungunang koponan sa nakatakdang double header sa pagpapatuloy ng second round ng UAAP Season 81 Men’s Basketball Tournament.

Unang magsasagupa ngayong 2 p.m. ang De La Salle University at ang Adamson na susundan ng tapatan ng Far Eastern University at ng defending champion Ateneo de Manila ng 4 p.m.

Magkatabla ngayon sa pamumuno ang Falcons at ang Blue Eagles na may barahang 7-2, panalo-talo habang patas din sa ikalawang puwesto taglay ang barahang 5-3 ang Tamaraws at Green Archers.

Parehas na nanalo sa una nilang laban sa second round, tiyak na umaatikabong salpukan ang inaasahan sa pagitan ng Green Archers at ng Falcons kumpara sa nauna nilang pagtutuos noong Oktubre 13 sa MOA Arena na nagtapos sa iskor na 79-78 makalipas ang limang minutong extension period. Gaya ng unang laro, naglalagablab ding tiyak ang mangyayaring paghaharap na muli ng Tamaraws at Blue Eagles kung saan tatangkaing bumawi ng huli ang 60-63 pagkatalo na natamo noong Oktubre 10 sa una nilang pagtatagpo. Sa kampo ng Falcons, sisikapin nilang magtuluy-tuloy sa pagbangon matapos ang natamong dalawang sunod na pagkatalo sa pagtatapos ng first round upang matupad ang misyong muling makabalik ng Final 4 at makaabot ng Finals.

“Those two games that we lost, it was just mind-boggling. It was like a pothole. We are still going to continue with this journey. We just had to play consistent basketball,” wika ni third-year Soaring Falcons head coach Franz Pumaren.

Parehas na suspendido ang kani-kanilang ace forwards, ang koponang maayos na makakagawa ng kanilang adjustment ang inaasahang makakaungos sa Blue Eagles at Tamaraws. Napatawan ng isang larong suspensiyon si Ateneo ace Thirdy Ravena habang dalawang laro naman ang suspensiyon ni FEU topgun Arvin Tolentino. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page