- Pabs Hernandez III
Kelot tepok sa mga armado
BATANGAS—Isang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Puting-bato East, Calaca sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilalang si Leodegario Alvarez, residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nakasakay sa kanyang motorsiklo ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ito ng mga suspek.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.
0 comments