top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

DYIP, SINAGASAAN ANG ROS; BOLTS, KINURYENTE ANG HOTSHOTS

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2018
1 min read

KINAPITAN ng Columbian Dyip ang fourth period upang sagasaan ang Rain or Shine Elasto Painters, 100-84 kagabi sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors’ Cup sa Ynares Center-Antipolo.

Nagtulungan sina import Akeem Wright at locals Jerramy King, Rashad McCarthy at Ronald Tubid upang sikwatin ng Dyip ang unang panalo ngayong conference at kalsuhan ang nine-game skid. Inirehis­tro ni Wright ang 23 points at 12 rebounds, may 18 si King habang tig-16 markers ang inambag nina McCarthy at Tubid.

Maagang nagpakitang-gilas ng Columbian, rumatrat sila sa unang dalawang periods upang hawakan ang 11-point lead, 50-39 halftime. Kumasa ang Elasto Painters sa third canto, naagaw ang bandera pero nabawi ulit ng Dyip, 63-68 papasok ng fourth quarter. Samantala, magtutuos ngayong 5 p.m. ang TNT KaTropa at San Miguel Beer sa PBA Petron Blaze road showdown sa Calasiao Sports Center sa Calasiao, Pangasinan.

Parehong may tsansa pang makapa­sok sa top four pagkatapos ng single-round-robin eliminations, tangan ng KaTropa ang 44- karta habang 3-4 ang baraha ng Beermen. Kakapit si TNT coach Bong Ravena sa kanilang three-game winning streak habang galing sa panalo ang tropa ni SMB mentor Leo Austria. Nanaig ang Beermen sa Phoenix Fuel Masters, 117-100 sa kanilang huling laro. Liyamado ang San Miguel, dahil marami silang tirador na players kaya inaasahang ibabangga ng KaTropa ang malulupit na point guards na sina Jayson Castro at Terrence Romeo.

Samantala, sa ikalawang laro, nanaig ang Meralco Bolts sa Magnolia Hot­shots sa bisa ng iskor na 94-88. Best Player of the Game si Reynel Hugnatan sa 15 puntos. (ATD)

Laro ngayon: (Calasiao Sports Complex) 5:00 p.m. - TNT vs SMB.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page