Search
  • BULGAR

Dagdag-singil sa tubig 'di tuloy, himala!

KA AMBO / BISTADO

MATAAS na ang pamasahe.

Mauuso na ang walkathon!

◘◘◘

INILIBAN ang taas sa singil sa tubig.

Milagro!

◘◘◘

BUMABA ang presyo ng shabu.

Pwes, over supply!

◘◘◘

HOPELESS si P-Digong sa war on drugs.

Hopeless din siya sa korupsiyon.

Hopeless din siya sa trapik.

Hopeless siya sa taas-presyo ng mga bilihin.

Kailangan na niyang mag­nobena sa Baclaran!

◘◘◘

SINO kaya ang kandidato na hindi mauubusan ng badyet hanggang Mayo, 2019?

Aba, siyempre, ‘yung kandidato na pinakakuripot!

◘◘◘

KUNG magkuku­ripot ang kandidato tapos ay matatalo lang siya nang konting boto.

Mauubos ang pera niya sa kapoprotesta!

◘◘◘

ANG kandidato ay dapat naglalaan ng sapat na badyet para tapatan ang gastusin ng kalaban.

Hindi dapat kumandidato ang kandidato na walang badyet.

Kasi kaawa-awa ang kanyang supporters na magpapaluwal sa kanyang kampanya.

◘◘◘

NAGSISIMULA na ang maalinsangang paligid.

Kaawa-awa ang mga walang pambili ng electric fan!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.