top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Babala sa mga nalalagasan ng buhok!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 20, 2018
1 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 32 years old at 5 buwan nang nakalipas mula ng ipanganak ko ang aking first baby. Nagtataka ako dahil bago ako manganak ay hindi naglalagas ng sobra ang mga buhok ko at habang lumalaki ang anak ko, lalong naglalagas ang aking mga buhok. Normal ba ito? — Aimee

Sagot

Ayon sa mga hair specialist, normal daw sa kababaihan na malagas ang kanilang buhok matapos manganak.

Sa panahon ng pagdadalantao, maraming inilalabas na estrogen ang katawan nito o isang uri ng hormone na siyang nagkokontrol sa hair cycle o ang paulit-ulit na pagtubo at pagkalagas ng buhok ng tao.

Gayunman, normal sa atin ang maglagas ng buhok na 50-100 na hibla kada paligo o sa bawat pagsuklay natin ng buhok.

Subalit, kapag nagbuntis ang babae, tumataas ang level ng estrogen at ang normal na paglalagas ng buhok ay titigil.

Pagkapanganak ng babae matapos ang isang buwan, tataas ang level ng estrogen at pagkatapos ng mga ilang buwan ay bababa na ulit ang level ng estrogen kaya maglalagas na ang buhok sa panahong ito at kadalasan ay umaabot ng anim na buwan hanggang isang taon bago bumalik sa normal ang hair cycle.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page