Search
  • BULGAR

Anyare, Gerald? BEA, OBYUS NA TUYOT SA MOVIE NILA NI AGA

Erlinda Rapadas / TEKA NGA

ANO kaya ang reaction ni Aga Muhlach sa gina­wang desisyon ni Herbert Bautista na talikuran muna ang kanyang political career at mamuhay nang normal tulad ng iba?

Close friends sina Aga at Mayor Bistek na nag­kasama noon sa pelikulang Bagets. Nagkakatawa­gan sila at nagkukumustahan on a regular basis.

There was a time sa buhay ni Aga na nag-slow down siya sa kanyang nabiling farm kasama si Charlene Gonzales at ang kambal nilang anak. Isinantabi muna niya ang kanyang showbiz career at nag-enjoy sa pakikipag-bonding sa mga anak.

Hindi niya pinanghinaya­ngan ang milyones na puwede pa niyang kitain sa peli­kula, TV show at mga product endorsements. At wala siyang pinagsisi­han sa kanyang na­ging desisyon.

Well, ganito rin kaya ang plano ni Mayor Bistek sa bu­hay niya kaya siya pansa­man­talang mama­­mahinga sa larangan ng pulitika? Masya­do na bang napagod sa buhay-pulitiko ang 3-term mayor ng Kyusi? Babalikan ba niya ang kanyang showbiz career?

At least, si Aga ay nakum­binse rin na bumalik at mu­ling gumawa ng pelikula. After his successful movie na Seven Sundays, nagkapareha naman sila ni Bea Alonzo sa pelikulang First Love na idinirek ni Paul Soriano.

Kahit medyo chubby pa rin ang rehistro ng mukha ni Aga sa big screen at nawala ang kanyang “matinee idol” look, still, lutang na lutang pa rin ang pagiging aktor niya. Ibang-iba ang atake niya bilang si Nick Gutierrez sa First Love.

Samantala, magaling pa ring umarte si Bea Alonzo sa kanyang role bilang si Allison Castillo na napaka-positive ang outlook sa buhay kahit may sakit sa puso. Sinadya kaya ni Bea ang magpapayat upang maging realistic ang kanyang pagganap sa movie?

Mas gusto namin si Bea na may laman ang katawan at hindi mukhang tuyot. Naalala tuloy namin ang mga movies na pinagtambalan nila noon ni John Lloyd Cruz.

Ang hindi namin halos nakilala dahil tumaba ang hitsura ay si G Toengi as Vicky, na ang role ay ex-GF ni Aga na iniwan sa Canada ang anak na sinupor­tahan ni Nick (Aga).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.