Search
  • Maeng Santos

6 huli sa akto sa drug den

NABUWAG ng mga awtoridad ang hinihinalang drug den na nagresulta sa pagkakaaresto sa anim na umano’y sangkot sa droga na naaktuhang magsisimula sa kanilang drug session sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Po­lice Deputy Chief for Ad­ministration Supt. Ferdie del Rosario, ang mga suspek na sina Raffy Cantiga, 27; Alex­ander Enriquez, 30; Jeric Torres, 40; Rafael Paguio, 35; Ruel Pilo, 38, at Jose Larckin, 34.

Ayon kay Supt. Del Ro­sario, alas-2:00 ng madaling-araw, nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Caloocan Police Community Precinct 3 sa Bagong Silang nang isang concerned citizen ang lumapit at ini-report ang umano’y illegal activities ng isang grupo ng kalalakihan sa loob ng hinihinalang drug den sa Bgy. 176.

Agad nagtungo ang mga pulis sa naturang lugar at na­aktuhan ang mga suspek na magsisimula sa kanilang drug session na nagresulta sa pag­kakaaresto sa mga ito.

Narekober mula sa mga suspek ang anim na trans­parent plastic sachets ng hi­nihinalang shabu at ilang drug paraphernalias na may bahid ng shabu.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.