Search
  • Alvin Murcia

2 estudyanteng tulak, huli

DALAWANG estud­yante ang nahaharap sa kaso ma­karaang magbenta ng marijuana sa isang pulis sa Marikina City.

Kinilala ni Inspector Greco Gonzales ang suspek na si Cesario Capa­ras, 18, at isang 17-anyos, kapwa re­sidente ng Bgy. Fortune. Ang paghuli sa dalawa ay makaraang mapatuna­yang sangkot sila sa pag­bebenta ng iligal na droga.

Bumili ang pulis ng isang pakete ng marijuana at nang ito ay pagbilhan saka luma­bas ang iba pang pulis at hinuli ang dalawa. Narekober sa mga ito ang 23 sachets na naglala­man ng hinihinalang pinatu­yong dahon ng marijuana.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.