Search
  • Mylene Alfonso

‘Pag binitbit sa ICC | MAGWAWALA AKO! — DUTERTE


NAGBANTA si Pangu­long Rodrigo Duterte na magwawala siya sa Interna­tional Criminal Court (ICC) kapag pinilit siyang magtu­ngo sa Hague Tribunal para harapin ang mga kasong crimes against humanity.

Sa kanyang talumpati sa Philippine Business Confe­rence and Expo sa Manila Hotel, nagbabala si P-Du­terte na sasampalin niya ang mga judge at magwawala sa harap ng mga prosecutor sa The Hague.

“Do not drag me in ICC, you idiots. Who is the pro­secutor there? Who ap­pointed her? Even the chair­man of the ICC, ‘yung fiscal nila, let me ask you, what are you doing there? Are you elected there democra­tically? Pagdating ko diyan ay sampalin ko kayong mga judges at magwawala ako doon,” ani Duterte.

Nanindigan din ang pangulo na walang hurisdik­siyon ang ICC sa kanya.

Matatandaang, naka­paila­lim sa preliminary exa­mination sa ICC ang Chief Executive matapos mag­sampa ng reklamo ang abo­gadong si Atty. Jude Sabio noong May 2017 ng crimes against humanity laban kay Duterte dahil sa libu-libong namatay sa war on drugs cam­paign.

Nagdesisyon naman ang Pilipinas na kumalas sa Rome Statute, ang doku­men­tong binuo ng ICC noong Marso 2018.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.