- BULGAR
'Yun lang! COCO, 'DI BABAE ANG KASAMANG NANOOD NG MOVIE NINA BEA AT AGA
Ador Saluta / ADORE ME!

BUKOD sa pagdagsa ng mga fans sa premiere night ng First Love last Tuesday (Oct. 16) sa SM Megamall, dumagsa rin ang ilang showbiz friends ng mga bidang sina Aga Muhlach at Bea Alonzo.
Nandu’n din ang iba pang kasama sa cast tulad ni Albie Casiño with Fil-Am gf, habang bitbit naman ni Edward Barbers ang kalabtim na si Maymay Entrata.
Buo rin ang suporta ng pamilya ni Aga, dahil nandu’n si Charlene Gonzales with twins Atasha and Andres Muhlach.
Surprise of the night ang pagdating ng ex ni Bea na si Zanjoe Marudo habang nasa ‘di kalayuan ng kanyang inuupuan sa balcony ang kasalukuyang bf ni Bea na si Gerald Anderson.
Marahil ay umiiwas sa isa’t isa ang dalawang lalaki sa buhay ni Bea kaya’t ‘di man lang nakitang nag-usap ang mga ito. Maging sa cast party ng movie na ginanap sa Gringo-Greenhills after the premiere, hindi na sumunod si Zanjoe at ang amin lang nakitang ka-table ng aktres ay ang dyowang si Gerald.
Marahil ay iniiwasan lang nito si Gerald na baka ma-misinterpret ang kanyang presence sa premiere night.
Samantala, ang ka-table naman ni Aga ay ang asawa with their two kids, Atasha and Andres.
Spotted din sa balcony area si Coco Martin at ang manager na si Biboy Arboleda with Dreamscape head, Sir Deo Endrinal.
First Love’s Direk Paul Soriano is with wife Toni Gonzaga, at naispatan din ang ilang celebrities like Raymond Gutierrez, Sarah Lahbati, Janus Del Prado, at dalawa pang Los Bastardos hunk (aside from Albie) na sina Diego Loyzaga at Jake Cuenca. Also in the crowd are Direk Olive Lamasan, former actor Orestes Ojeda, Patricia Javier with husband at Claudine Barretto.
In-acknowledge ng host na si Eric John Salut na tatlo sa mga bisita nu’ng gabing ‘yun ay nagse-celebrate ng kanilang birthday — sina Direk Olivia Lamasan, Direk Paul at ang bida ng FL na si Bea.
Subali’t ang pinaka-surprise that evening ay ang positibong feedback ng mga nakapanood ng movie sa unang pagkakataon.
Sa cast party ng FL, overheard na nag-comment ang isang lady columnist na, “Napakaganda ng movie, mala-Hollywood. Nakakaiyak at nakakakilig sina Aga at Bea.”
Sabi pa ni Samantha Dela Torre na nandu’n sa cast party, “Magdala na kayo ng panyo at siguradong babaha ng luha.”
Sa totoo lang, kung hindi sa Tagalog lines at sinub-title na English dialogues, mapagkakamalan mong foreign film ang First Love na 100% on location shoots sa Vancouver, Canada.
Sa amin naman, napakahusay ng cinematography dahil maliwanag ang pagkakakuha sa mga magagandang tanawin sa Vancouver at ang musical scoring na pinaganda ni Direk Paul. May mga songs na maiingay subali’t akmang-akma o bagay sa sitwasyon.
Isang revelation din ang role ni Albie bagama’t mas ipinagkatiwala ni Direk Paul ang madramang role kay Edward na nag-iwan ng impact sa mga fans.
Ang twist sa ending ng movie ay nakakaiyak at ‘yun ang dapat panoorin ng mahihilig sa kakaibang love story.
May nag-comment pa na threat na sa trono ni Direk Cathy Garcia-Molina si Direk Paul sa paglalahad ng movie na may kilig at may kakaibang ending.