Search
  • Alvin Olivar

SKYSCRAPERS AT CLUTCH, NANAIG SA MPBL DATU CUP


NANAIG ang Makati Skyscrapers kontra Pampanga Lanterns, 69-67, noong Miyerkules ng gabi sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup sa Angeles University Foundation gym. Nakuha ng Skyscrapers ang 7-4 na kartada para makabawi sa kanilang 70-66 na talo kontra sa Cebu City Sharks noong Oktubre 6 sa Cebu. Nagtala ng 15 points si Jeckster Apinan habang gumawa ng 13 points at 14 rebounds si Cedrick Ablaza para sa Skyscrapers. Tig-12 points ang iniskor ni Rudy Lingganay at John Rey Villanueva para sa Makati. Natalo ang Pampanga sa unang laro ng kanilang bagong manlalaro na si Levi Hernandez na nakuha sa isang trade mula sa Navotas. Nag-ambag ng 11 points si Hernandez sa nasabing laro.

Samantala, tinalo ng Navotas Clutch ang Parañaque Patriots-F2 Logistics, 90-83, para umangat ang kanilang kartada sa 5-6. Nanguna si Ron Dennison at bagong player na si Jai Reyes para sa Clutch pagkaraang gumawa ng tig-18 points sa laro. Si Reyes ay galing sa isang trade mula sa Laguna papuntang Navotas. Umiskor ng 15 points si Mac Montilla para sa Parañaque na bumaba ang kartada sa 6-6.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.