Search
  • BULGAR

Sanhi ng pagkakaroon ng butlig-butlig sa katawan

SHANE M. LUDOVICE, M.D / SABI NI DOC

Dear Doc. Shane,

Nais kong malaman kung ano ang mga butlig-butlig na tumubo sa aking katawan at ano ang mainam na gamot para maibsan ang pangangati nito?Bukod pa rito, ano ang sanhi nito?—Christina

Sagot

Ang pagkakaroon ng butlig-butlig o vesicles; blisters sa buong katawan ay maraming posibleng sanhi.

Narito ang ilang halimbawa ng maaaring dahilan nito:

  • Sakit na dala ng virus tulad ng bulutong, tigdas o tigdas-hangin.

  • Allergy sa pagkain, gamot o bagay.

  • Iba pang impeksiyon tulad ng syphilis na isang uri ng STD.

  • Problema sa balat, partikular sa balat na responsable sa pagpapalabas ng pawis na puwedeng magdulot ng pantal-pantal.

Gayunman, kinakailangang masuri agad ito ng doktor upang maiugnay ito sa iba pang mga sintomas. Gayundin, kung magpapatingin sa dermatologist, maaaring tanungin ka kung kailan ito nag-umpisa, saang bahagi ng katawan nauna itong lumabas at kung ano ang mga nagti-trigger sa pagkakaroon ng mga ito. Gayundin, ang ilang detalye tungkol sa’yo tulad ng mga gamot na iyong iniinom, mga ipinapahid sa katawan at ang iyong sex life.

Gayunman, kung ito ay dahil sa virus, puwedeng kusa na itong mawala at kung ito ay allergic reaction, maaari itong mawala kung iiwasan mo ang nagti-trigger o mitsa na nagdudulot sa pagkakaroon o pagsumpong ng mga butlig-butlig. Habang hindi ka pa nakapagpapatingin sa doktor, ang pag-inom ng mga over-the-counter antihistamine tulad ng diphenhydramine at cetirizine ay puwedeng makatulong na mawala ang pangangati sa iyong katawan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.