Search
  • Clyde Mariano

PINOY WUSHU MEDALISTS WALLY, WONG, MANDAL, SOLIS AT PARANTAC, LALARGA SA ASIAN TILT


TULAD sa tagumpay nila sa katatapos na Asian Games, tatangkain nina Divine Wally at Christenzen Wong na bigyan muli ng karangalan ang ‘Pinas sa dalawang Asian Wushu competitions na gagawin sa China at Myanmar.

Kasama rin sa kampanya sina Arnel Mandal, Francisco Solis at World Wushu gold medalist Daniel Parantac sa dalawang Asian Wushu competitions. Itataya nina Wally, tubong Baguio City kasama sina Mandal at Solis ang kanilang credentials sa World Sanda sa susunod na linggo at makikkipagsabayan sina Wong at kasama si Parantac sa mga kalaban sa World Taolou na lalarga sa Nobyembre sa Myanmar.

Inamin sa panayam ni dating world champion Samson Co na mabigat ang laban ng mga Pinoy dahil world class ang dalawang torneo. “Our athletes are on a rough sailing because they are range against the worlds’ best,” sabi ni Co. Umasa si Wushu Philippines Federation secretary general Julian Camacho na muling mag-uuwi nang karangalan ang mga Pinoy sa larangan ng wushu.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.