• BULGAR

PELICANS, DINAGIT ANG ROCKETS DAVIS AT PAYTON, BUMIDA

BINALIKAT nina Anthony Davis sa bisa ng kanyang 32 points at 16 rebounds at ni

ang triple double sa bagong bihis na New Orleans Pelicans at dagitin ang host Houston Rockets 131-112 sa season opener kahapon ng NBA game.

Nakatabo si Payton, isa sa dalawang key off-season players ng 10 points, 10 assists at 10 rebounds habang si forward Julius Randle ay naka-25 points. Pumalit si Payton kay point guard Rajon Rondo, na lumagda bilang free agent sa Lakers, habang kapalit si Randle kay All-Star forward DeMarcus Cousins na lumagda sa Warriors, bilang pakay ng New Orleans na manaig sa dating team na tumapos ng 6th place sa West at natalo sa Golden State sa conference semifinals.

Pinamunuan ni Eric Gordon ang Houston sa 21 points, habang sina PJ Tucker at Chris Paul ay may 19 points, si James Harden ay may 18, kumpara sa 12 niyang nagawa noong last season bago nakuha ang MVP award, may 10 assists habang may 10 points si Michael Carter-Williams. Tumapos si Carmelo Anthony ng 9 puntos sa debut game sa Houston. Samantala sa ibang laro, pinalakas ni Giannis Antetokounmpo sa bisa ng kanyang two assists nang talunin ng Milwaukee Bucks sa 113-112 ang host Charlotte Hornets sa season opener.

Si Antetokounmpo, na tumapos ng 25 puntos, 18 rebounds at 8 assists ang lumider sa Bucks para sa 113-112 upang pigilan ng Bucks si Kemba Walker ng Charlotte na kinapos sa short jumper at nagmintis si Nicolas Batum sa 3-pointer ng buzzer.

Sa iba pang laro, umiskor si Kawhi Leonard ng 24 points at 13 rebounds habang si Kyle Lowry ay may 27 points at 8 assists upang matulungan ang Toronto Raptors na talunin ang bumibisitang Cleveland Cavaliers 116-104 sa season opener. (MC / ATD)

1 view0 comments
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.