top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Onli in da Pilipins, kandidatong halos 'di na makalakad, 'tatakbo' pa?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 19, 2018
  • 2 min read

ENRILE, TATAKBO SA SENADO KAHIT GU­RANG NA — Kahit 94-anyos na si dating Sen. Juan Ponce Enrile ay itinuloy pa rin nito ang pagtakbo sa pagka-senador sa May 13, 2019 election.

Politika nga naman sa Pilipinas, mantakin ninyo hindi na halos makalakad si Enrile sa sobrang katandaan tapos “tatakbo” pa, boom!

◘◘◘

SINA SEN. POE AT SEN. VILLAR AY NAG­SI­SISI NA SA TRAIN LAW, PERO SI SEN. ANGARA, DED­MA LANG?—Sa tema ng pananalita nina Sen. Grace Poe at Sen. Cyn­thia Villar ay tila nagsisisi na sila sa pagsuporta at paglagda sa TRAIN Law na nagpa­pahirap sa mamamayan dulot ng taas-presyo ng mga bilihin.

Buti pa sina Sen. Poe at Sen. Villar, nagsisisi na, pero ‘yung kina­sangkapan ni P-Duterte sa pagsusu­long ng TRAIN Law sa Senado na si Sen. Sonny Angara, tila hindi nag­sisisi at walang pakialam kung maghirap ang publiko sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin dulot ng kanyang TRAIN Law, pwe!

◘◘◘

POLITICAL DYNASTY, TINO-TOLE­RATE NI P-DU­TER­TE —Sa ilalim ng Duterte gov’t. ay malabo nang magkaroon ng katuparan na maisabatas ang Anti-Political Dynasty Bill na may layuning isa kada angkan ang papayagang kumandidato para matigil na ang matagal nang umiiral sa bansa na ginagawa ng family business ng mga magkaka­mag-anak na pulitiko ang mga puwesto sa gob­yerno.

Mismong si P-Du­terte na kasi ang nagto-tolerate sa political dynasty kaya sabay-sabay nagsisipagkandidatuhan ang magkakamag-anak na pulitiko at kabilang sa mga kumandidato ang tatlong anak ng pangulo na sina Pulong for congressman, Sara for mayor at Baste for vice-mayor ng Davao City, boom!

◘◘◘

DROP BALLS AT COLOR GAMES NI ‘EGAY’ SA ROSARIO AT GEN. TRIAS, CAVITE, ‘UNTOUCHABLES’—Ilang metro lang daw ang layo sa police stations ng Rosario at Gen. Trias sa Cavite ang puwesto ng drop balls at color games ni “Egay”, pero hindi raw ito hinuhuli ng mga awto­ridad.

Kung ganu’n, "untouchables” pala sa jurisdiction ni Cavite PNP Director, Sr. Supt. William Segun ang mga raket ni “Egay”, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page