LP, excited na raw sa 2019 elections, 'excess fund', larga?!

PAGSOSYO ng Israel sa oil exploration ng Pilipinas.
Ano ang kondisyon?
◘◘◘
AYAW sisihin ni P-Digong ang China sa pagbaha ng shabu sa Pilipinas.
Sige, ang Russia ang sisihin natin!
◘◘◘
EXCITED na ang Liberal Party sa 2019 elections.
Puwede nang gamitin ang excess fund!
◘◘◘
KAPAG nanalo si Juan Ponce Enrile bilang senador, siya ang pinakamatandang senador na magwawagi sa eleksiyon.
Siya ang saksi sa kabulukan ng pamahalaan.
◘◘◘
WALANG linaw kung alin ang ruling party sa kasalukuyang eleksiyon.
Hindi kasi ito maaangkin ng PDP-Laban.
◘◘◘
NGAYON lang tayo makakikita ng ruling party na watak-watak at walang lider.
Hindi makaaakto si P-Digong bilang lider ng ruling party dahil maysakit siya.
◘◘◘
MALINAW na patas ang eleksiyon.
Maging sa local level ay hindi iniintindi kung sino ang tangay ng ruling party.
Bakit?
Walang kamandag ang ruling party!
◘◘◘
GAYUNMAN, ang resulta ng 2019 elections ay panukat sa 2022 Presidential Elections.
Masusukat dito kung sinu-sino ang magiging pangulo.
◘◘◘
ANG Top 3 sa senatorial race ay awtomatikong magiging pangulo.
At ang papasok sa Top 6 ay bise-presidente.
Malinaw na batayan ‘yan sa 2022 Presidential Elections.
◘◘◘
MATAPOS ang 2019 elections, unti-unti nang magiging lameduck president si P-Digong.
Bakit?
Sapagkat malinaw na malilipasan siya ng poder o likas na kapangyarihan bilang no.1 leader ng bansa.
◘◘◘
UNTI-UNTING iiwanan si P-Digong ng mga tao na nagsipsip sa kanya upang lumipat sa inaasahang magiging pangulo sa 2022.
Masasabay ito sa panghihina ng kalusugan ni P-Digong na maaaring magpalala ng sitwasyon.
◘◘◘
ISANG kapana-panabik ang 2022 Presidential Elections sapagkat magiging patas ang labanan.
Walang makalalamang dito dahil “hihina” ang liderato sa central government.
◘◘◘
MATAPOS ang eleksiyon sa Mayo, malabo nang matuloy ang Pederalismo at ChaCha sa tulad ding dahilan.
Lipas na ang kamandag ni P-Digong!
◘◘◘
MAUUBOS ang panahon sa nalalabing termino ni P-Digong sa pagdedepensa at pagpapaliwanag.
Ang pressure at stress na magmumula rito ay maaaring magpahina sa kanyang kalusugan.
◘◘◘
IKATUTUWA ng mga kritiko at kalaban ng Malacañang ang panghihina ng liderato at kalusugan ni P-Digong matapos ang 2019 elections.
Meaning, makapoporma na sila nang todo sa 2022 Presidential Elections.





Comments