Search
  • Clyde Mariano / ATD

HOTSHOTS, MATIBAY SA TUKTOK, E-PAINTERS, BUBUSLO SA 3RD WIN?


PUNTIRYA ng Magnolia Hotshots ang pang walong panalo sa siyam na laro kontra Meralco Bolts at target ng Rain or Shine Elasto Painters ang pangatlong sunod na panalo matapos ang apat na sunod na kabiguan laban sa walang panalo sa Columbian Dyip mamayang gabi sa Ynares Center sa Antipolo City, Rizal.

Sasagupain ng Hotshots ang Bolts ng 7 p.m. matapos ang salpukang E- Painters at Car Makers ng 4:30 p.m. sa panglimang pagbabalik sa Antipolo at 9 sa 11 provincial games. Ang huling out-of-town na gagawin sa Biñan, Laguna sa Okt. 27 ay tampok ang dalawang laro ng Blackwater Elite kontra Columbian Dyip at RoS laban sa reigning PHL Cup champion San Miguel Beermen.

Bahagyang paborito ang Hotshots kaysa Bolts. Lamang man sa billing, hindi dapat balewalain at magkumpiyansa sa laro vs. Bolts na papasok sa woodcourt na mataas ang morale at in fighting mode sa come-from-behind panalong 108-105 vs. NLEX Road Warriors noong Okt. 14 sa MOA Arena.

Sa panalo, nabuhay at lumakas ang boltahe sa q’final bid ng Bolts at determinadong kuryentehin ang Hotshots para sa pagposte ng pangatlong panalo sa walong laro.

Sa import match-up, bahagyang nakalalamang si Allen Durham kay Romeo Travis at ito ang gagawing jumping board ni Bolts coach Norman Black para manalo. Si Durham ang nagdala sa Bolts sa 2nd place sa Commissioner’s Cup na napanalunan ng Barangay Ginebra.

Si Durham ang malaking sakit sa ulo ni Hotshots coach Chito Victolero at kailangan niyang i-motivate ang import na taga Ohio at dating high school classmate ni NBA superstar LeBron James na naglalaro sa Los Angeles Lakers.

Nakahandang umalalay kay Travis sina Paul Lee, Justin Melton at Mark Barroca, Jio Jalalon, Aldrech Ramos, Ian Sangalang at Rafi Reavis.

Bukod sa opensiba babantayan nina Sangalang at Reavis kasama si Travis ang shaded area at hadlangan ang Bolts na makapanguryente sa shaded area sa pamumuno nina Jeff Hodge, Chris Newsome, Baser Amer, Ed Daquioag, Reynel Hugnatan, at Antonio Jose Caram.

Sa labanang RoS at Columbian Dyip, nakalalamang ang E-Painters sa Car Makers at inaasahang kukunin ng mga bata ni coach Garcia ang pangatlong sunod na panalo sa walong laro. Tiyak na wala nang ganang maglaro ang Dyip dahil eliminated na at ang papel na lamang ay bilang spoiler role at ‘yan naman dapat ang iwasan ng mga koponang hangad pumasok sa quarterfinals.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.