Search
  • BULGAR

BOLICK NG SBU RED LIONS, NILAPA ANG LPU PIRATES


MISYON ng defending champion San Beda University sa simula ng second round na makabawi sa karibal na Lyceum of the Philippines. Masaya ang buong tropa ni Red Lions head coach Boyet Fernandez lalo na si Javee Mocon kahapon dahil nilapa nila ang 75-68 panalo kontra Pirates sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan.

Plakda ang San Beda sa first round sa Intramuros-based squad Pirates kaya naman bago dumating ang araw ng pagtutuos ng dalawa ay nagbitaw ng salita si Mocon na babawi sila sa Lyceum.

Namuno sa opensa para sa Red Lions sina Robert Bolick at James Canlas, nagtala ng tig-18 points, may 15 si Donald Tankoua habang 13 ang inambag ni Mocon. “We’re happy we got this one and that the monkey is finally off our backs. Ang daming nagsasabing we cannot beat them,” saad ni Fernandez na kahit anong mangyari sa huli nilang laro ay kakapitan nila ang No. 1 seed.

May kartang 16-1 ang SBU habang nasa second place ang Pirates tangan ang 15-3 card.

Tumikada si Mike Nzeusseu ng 16 puntos para sa LPU. Parehong may twice-to-beat advantage ang San Beda at Lyceum sa semifinals. Paniguradong makakaharap ng SBU ang No. 4 Perpetual Help sa Final Four habang makakalaban ng Lyceum ang No. 3 seed Letran. (ATD)

Mga iskor: SAN BEDA 75 – Bolick 18, Canlas 18, Tankoua 15, Mocon 13, Oftana 3, Presbitero 2, Soberano 2, Nelle 2, Carino 2, Doliguez 0, Abuda 0, Eugene 0, Tongco 0, Cuntapay 0

LPU 68 – Nzeusseu 16, Marcelino JC 14, Ayaay 11, Perez 9, Pretta 6, Marcelino JV 4, Caduyac 2, Tansingco 2, Santos 2, Valdez 2, Ibanez 0, Serrano 0, Lumbao 0

Quarterscores: 18-13, 39-31, 59-46, 75-68

Mga laro sa Martes: (FilOil Flying V Center) 12:00 nn. - San Sebastian vs Arellano U

2:00 p.m. - San Beda U vs Perpetual Help.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.