Search
  • Alvin Olivar

‘NAGTAMPO’ YATA SI ALMAZAN DAHIL SA ISYU NG LATE AT ABSENT


NAGSALITA na si Rain or Shine coach Caloy Garcia sa hindi pagsipot ni Raymond Almazan sa ensayo at laro ng Elasto Painters kamakailan sa kanilang kampanya sa PBA Governors’ Cup.

Ayon kay Garcia, nagulat na lang siya na hindi na muling nagpakita si Almazan matapos niyang sabihan sa kanyang pagiging late sa ensayo ng Rain or Shine. “For me, just speaking on my behalf, nagulat nga ako na ako tinuro eh. At the end of the day, I’m just doing my job. There was this time na I told them kasi madalas siya mag-absent at ma-late. We are losing and we needed him to come in and work. And I didn’t know that that’s going to cause this,” wika ni Garcia.

Dagdag ni Garcia, layunin lang niyang idisiplina ang kanyang koponan lalo pa’t wala pang nakukuhang panalo ang Rain or Shine noong panahong iyon. “Everybody comes in early and work and it’s working right now. It’s my job to discipline the players. Wala nga kaming fine. So basically, we are just trying to be professionals,” wika ni Garcia.

Sa ngayon ay hindi pa rin nakakausap ni Garcia si Almazan ngunit nakatakdang mag-usap si Almazan at ang Rain or Shine management sa Sabado. “Just be professional. Yun ang lagi kong iniisip. If he shows up in practice and he wants to play, he has to work for it. Basically, ‘yun ang sinasabi ko sa mga players. Magkahiyaan naman tayo kasi we see players come in really early and work hard pero I don’t give them a chance to play. They should set a good example especially the veteran players. Since nangyari yun, gumanda ‘yung takbo namin sa ensayo. Hopefully, if ever mapaisip siyang maglaro, I hope he comes to be ready to play as a professional,” wika ni Garcia.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.