Search
  • BULGAR

TATUM NG CELTICS, PINAKABOG ANG SIXERS SA NBA OPENING


BUMAKAS si Jayson Tatum ng 23 points at 9 rebounds upang pamunuan ang host Boston Celtics tungo sa 105-87 victory laban sa Philadelphia 76ers kahapon sa season opener ng NBA.

Nakagawa si Marcus Morris ng 16 points at 10 rebounds nang talunin ng Boston Celtics ang 76ers para sa ika-15 pagkakataon sa nakaraang 17 regular-season meetings. Pinatalsik din ng Celtics ang Philadelphia sa five-game, second-round playoff series sa nakaraang season.

Umiskor si Jaylen Brown ng 12 points, habang si Terry Rozier ay may 11 points at 8 rebounds para sa Boston. Si Gordon Hayward ay may 10 points sa 4-of-12 shooting at kumalawit ng 4 na nakaw sa 25 minuto sa kanyang unang regular-season game mula nang mapilayan siya sa kaliwang bukung-bukong sa last season’s opener laban sa Cleveland Cavaliers. “It was so good to be out there, such a blessing that I was able to play basketball again,” saad ni Hayward sa postgame interview.

Nakagawa ng 7 puntos si Kyrie Irving, na hindi nakalaro noong 2018 postseason dahil sa knee injury. Limang puntos ang nagawa ni Al Horford sa Celtics, na may 43.3 percent.

Naka-23 puntos si Joel Embiid at 10 rebounds para sa Philadelphia. Nakapagtala si Ben Simmons ng 19 points, 15 rebounds, 8 assists at 4 steals habang si JJ Redick ay umiskor ng 16 points.

Nangunguna ang Celtics sa 5 puntos sa halftime nang umalagwa pa ng tres si Irving at dalawang free throws sa nalalabing 10:46 minuto sa third quarter. Isa pa uling tres ang isinalpak ni Irving para sa 59-47 sa natirirang 9:03.

Nasundan ni Tatum ng dunk para umalagwa sa 14 puntos ang kalamangan sa nalalabing 8:14 na minuto.

Pilit na humahabol ang 76ers sa 10 puntos, pero sa dakong huli ay ang lakas pa rin ng Boston ang nanaig. Dalawang basket ang pinakawalan ni Morris sa huling 45.6 segundo para sa 77-66 na kalamangan ng Celtics pagdating sa final quarter. Diretsong 5 puntos ang tinabo ni Brown sa kaagahan ng 4th quarter at bigyan ang Boston ng 82-67 lead. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.