Search
  • Nitz Miralles

Tanggap na ng madir ng BF… JANINE, PARTE NA NG PAMILYA NI RAYVER

WALANG problema sina Janine Gutierrez at Dianne Medina sa future mom-in-law nilang si Beth Cruz, ang mother ng boyfriends nilang sina Rodjun at Rayver Cruz. Tanggap ni Beth sina Janine at Dianne at pa­milya na ang turing niya sa mga GFs ng mga anak at sa birthday salubong nga ni Beth, special guests sina Janine at Dianne.

Sina Rodjun at Dianne, engaged na at ikakasal next year, pero sina Janine at Rayver, tila hindi pa ready umamin, kahit kitang may relasyon na. In fact, March o May yata sila naging officially on, kaya hindi pina­niwalaan ang sinabi ni Janine sa interview sa taping ng Victor Magtanggol na “dating” pa lang sila ni Rayver.

Naikuwento pala ni Janine na may kissing scene sila ni Enchong Dee sa Regal Entertainment movie na Elise. Nagbiro si Enchong ng, “I guess I just lost a friend,” na ang tinutukoy ay si Rayver.

Speaking of Janine, kahit maraming inis sa karakter niyang si Gwen Rega­lado sa VM, love niya ito, lalo na noong simula ng story. Ipinakilala si Gwen na matapang, independent at masayahin. Umaasa itong babalik din sa dati niyang ugali si Gwen at mamahalin uli ng mga viewers.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.