- BULGAR
Simpleng mamamayan na may record sa NBI hirap magkatrabaho, kandidatong may kaso, tanggap agad sa Co
PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN
MAMAMAYANG MAY CRIMINAL RECORD, HIRAP SA OUT WORK, PERO MGA PULITIKONG MAY CRIMINAL RECORD, APRUB AGAD SA COMELEC NA KUMANDIDATO — Kapag ang pangkaraniwang mamamayan ay may criminal record sa NBI at PNP, kadalasan ay hindi sila natatanggap sa nais nilang pasukang trabaho, pero ang mga pulitiko kahit na may criminal record ay tinatanggap agad ng Comelec ang kanilang certificate of candidacy para kumandidato at kapag pinalad na manalo ay nagkakaroon ng mataas na posison sa gobyerno.
Iyan ang malungkot na katotohanan na nangyayari sa Pilipinas, hu-hu-hu!
◘◘◘
PIA CAYETANO, ‘NGANGA’ SA ‘PAMBABASTOS’ NI P-DUTERTE SA KABABAIHAN —Ang sabi ni Taguig Rep. Pia Cayetano, kaya raw siya muling kumandidatong senador ay para raw ipagpatuloy na ipaglaban ang karapatan ng kababaihan, pero nang tanungin ng media kung ano ang masasabi niya sa pakikipag-lips-to-lips ni P-Duterte sa babaeng OFW na may asawa at ang madalas na rape jokes ng pangulo, eh, hindi raw siya ang spokesperson ni P-Duterte para sagutin ang isyung ito.
Iyan ba ang sinasabi ni Pia na ipaglalaban niya ang rights ng kababaihan, eh, simpleng tanong lang, “nganga” siya sa “pambabastos” ni P-Duterte sa kababaihan? Pwe!
◘◘◘
MOCHA, BILANG MALACAÑANG ‘CONSULTANT’, P130K A MONTH ANG ALLOWANCE? WOW!—Viral sa social media na kahit hindi na raw PCOO official si Mocha Uson ay tumatanggap pa rin daw ito ng P130K isang buwan na “allowance” bilang consultant ng Malacañang.
Kung totoo ito, aba, bad ‘yan kasi mantakin ninyo, “consultant” lang, tapos P130K na pera ng bayan ang napupunta sa kanyang bulsa, buwisit!
◘◘◘
PARAK NA MAMOMOLITIKA, SIBAK—Sa tuwing panahon ng eleksiyon ay may mga pulis na ginagamit ang kanilang pagka-pulis para ikampanya ang mga pinapaboran nilang mga kandidato.
Dahil diyan, nagpalabas ng direktiba si NCRPO Director General Guillermo Eleazar na ang sinumang pulis sa Metro Manila na mamomolitika ay awtomatik niyang sisibakin ang mga ito sa puwesto.
Kaya sa mga parak na mahilig mamolitika, tantanan n’yo na ‘yan kung ayaw ninyong masibak sa puwesto, period!