Search
  • BULGAR

RAVENA, ONE-GAME SUSPENDED, 2-GAME SUSPENSION KAY ARVIN


PAGKARAAN ng isi­na­gawang masusing pagreb­yu sa tape ng nakaraang laban nila sa Far Eastern University, napatawan si Thirdy Ravena ng defending champion Ateneo de Manila ng one-game sus­­pen­sion ng pamunuan ng UAAP. Sa ginawang review, nakita si Ravena na sinapak si University of the Philippines skipper Paul Desiderio noong nakara­ang Oktubre 14 sa kani­lang 83-66 panalo kontra Fighting Maroons.

May natitira na lamang na 1:26 sa first quarter nang magkabanggaan sina Ravena at Desiderio na sabay ding bumagsak sa sahig.

Sa nasabing insidente, warning lamang ang itinawag kay Ravena. “Sa review namin, Thirdy threw a closed fist kay Desiderio. Kitang kita naman na nag-flex at may buwelo,” ayon sa isang UAAP official na hindi na nagpakilala.

Kaugnay nito, gina­wang unsportsmanlike foul ang naunang itinawag na ordi­naryong foul kay Ravena. Sanhi ng suspension, disqualified na si Ravena na dalawang be­ses ng naging miyembro ng UAAP My­thi­cal Team na magwagi ng anumang individual awards nga­yong season.

Ang kanyang suspen­si­yon ay i-serve ni Ravena sa Sabado sa laban nila kontra Far Eastern University. Natawagan naman ng kanyang ikalawang disqualifying foul ngayong season, dalawang larong suspen­siyon naman ang iginawad ng liga kay FEU forward Arvin Tolentino.

Kagagaling pa lang mula sa 1-game suspension, muling natawagan ng disqualifying foul si Tolentino kontra kay Zachary Huang may 15 segundo na lamang ang natitira sa 70-78 na pagkatalo nila sa University of Santo Tomas Growling Tigers. Bunga nito ay hindi makalalaro si Tolentino sa Sabado kontra Ateneo at sa Miyerkules laban sa UP.

Napatawan din ng suspensiyon ng liga si Javi Gomez de Liaño ng UP dahil sa dalawang technical fouls na itinawag sa kanya sa nakaraang laban nila sa Ateneo. Dahil dito, maka­kalaro si De Liaño sa susunod na laban ng UP kontra UE Red Warriors sa Linggo. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.