PINOY HARD-HITTER MIADO PURSIGIDO SA TRAINING SA MEXICO

SA pakay na mas maging malupit bilang all-around mixed martial arts competitor, dumayo pa si Pinoy dynamo

sa layong 1,109 kilometer sa Sabah, Malaysia para sa dalawang linggong training. Nilisan ng 25-anyos na knockout artist ang tahanan sa Marikina City upang linangin pa ang kanyang talento bilang atleta sa Kota Kinabalu-based Borneo Tribal Squad na isa sa top mixed martial arts gyms sa Asya.
Sa ilalim ng gabay ni AJ “Pyro” Lias Mansor, isa sa pinakamahusay na MMA coaches sa rehiyon na responsable sa pagpapahusay sa tulad ni Malaysian sensation Ann “Athena” Osman, napahusay ni Miado ang galing niya sa grappling arts, maging sa wrestling at Brazilian Jiu-Jitsu. “Jeremy has heavy hands. He has knockout power, but the glaring area that needs improvement is his grappling. We focused on that during his stay in Kota Kinabalu. We also gave him a good conditioning program to maximize his stamina and endurance,” saad ni Lias Mansor hinggil sa dalawang linggong pananatili ni Miado sa Borneo Tribal Squad.
Kainaman naman na lumakas ang dalawa niyang kamao na siyang nagpasikat sa kanya nang patumbahin niya si dating ONE Strawweight World Champion Dejdamrong Sor Amnuaysirichoke noong Marso. “I admit that my ground game needs improvement. That’s why my team in the Philippines sent me to Malaysia to work on it. It was worth it, especially I had the chance to learn from my mistakes in my last fight,” dagdag pa niya. (MC)





Comments