Search
  • Mylene Alfonso

Lalaki binaril sa bibig, dedo

TODAS ang isang 45-anyos na lalaki matapos barilin sa bibig ng riding-in-tandem, kamakalawa nang gabi sa Sta. Ana, Manila.

Dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital si Rogelio Moraleda alyas Nognog, residente ng Pasig Line St., Sta. Ana, Manila.

Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, alas-8:02 ng gabi nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Nasa kalsada umano ang biktima at tumutulong sa kanyang kamag-anak na si Celita Manzano, 50, na maghanap sa apo nito nang daanan ng dalawang suspek saka binaril sa bibig.

Agad namang tumawag ng tulong si Manzano sa opisyal ng barangay saka isinugod ang biktima sa Sta. Ana Hospital pero, idineklarang dead-on-arrival.

Agad namang tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.