Search
  • BULGAR

FEU AT UE, TINALO ANG ATENEO AT DLSU SA WOMEN’S BASKETBALL


ISINALBA ng game-winning lay-up ni Valerie Mamaril ang Far Eastern University na humabol mula sa 17 puntos na pagkakaiwan upang magapi ang Ateneo, 73-71, para umangat sa solong ikalawang puwesto kahapon sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

Sumablay si Jollina Go sa kanyang undergoal stab sa huling possession ng Lady Eagles na naging-daan sa pagbubukas ng Lady Tamaraws sa second round sa pamamagitan ng panalo.

Nanguna si Clare Castro para sa nasabing panalo ng Lady Tamaraws na may double-double 21 puntos at 10 rebounds maliban pa sa 4 na blocks kasunod si Mamaril at Fatima Quiapo na kapwa tumapos na may tig-14 puntos.

Dahil sa panalo, umangat ang FEU sa kartadang 6-2, panalo-talo kasunod ng defending four-time champion National University na may malinis na barahang 7-0.

Namuno si Go para sa Ateneo na may 21 puntos kasunod si Trina Guytingco na may 18 puntos, 8 rebounds, 5 assists at 4 steals para sa Lady Eagles na bumaba sa barahang 2-6, kasalo ng Lady Warriors.

Sa isa pang laban, umiskor si Anna Requiron ng double-double 22 puntos at 15 rebounds bukod pa sa 5 blocks, kasunod si Christine Cortizano na may 21 puntos at 4 na assists para sa last year’s runner-up University of the East nang gapiin nila ang De La Salle, 86-69,para sa ikalawa nilang panalo. Ang Lady Archers na pinangunahan ni Khate Castillo na may 17-puntos ay nasadlak sa kanilang ikatlong pagkatalo sa loob ng walong laro para sa ikatlong puwesto. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.