Search
  • BULGAR

ALASKA, QUARTERFINALIST NA? COLUMBIAN DYIP, PINATIRIK


NILAGOK ng Alaska ang 104-94 panalo laban sa Columbian Dyip sa 2018 Philippine Basketball Association, (PBA) Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. Tumikada si import Mike Harris ng 44 points at 27 rebounds upang ilista ang Aces ang 6-2 card. Ipinaramdam agad ng Alaska ang kanilang lakas sa unang dalawang period matapos kapitan ang 10-point lead, 53-43.

Samantala, nais ng Magnolia Hotshots na palakasin ang kapit sa tuktok upang makasiguro ng top four sa PBA.

Solo sa unahan hawak ang 7-1 karta, haharapin ng Hotshots ang Meralco Bolts bukas ng alas-7 ng gabi sa Ynares center-Antipolo.

Muling kakapitan ng Pambansang Manok Magnolia ang kanilang playmaker na si Jio Jalalon na malaking ambag sa kanilang huling panalo. Inaasahang magiging ganado ang Hotshots dahil sasandalan din nila ang five-game winning streak sa event na may 12 teams single round robin. Ginamit ni Jalalon ang kanyang bilis upang itarak ang unang triple-double performance sa kanyang pro career, tumipa siya ng 13 points, 13 assists at 12 rebounds sa kanilang panalo kontra Blackwater, 133-99 ng nakaraang Miyerku­les.

Nirehistro ni Jalalon ang average 15.5 points, 10.5 rebounds, 9.0 assists at 1.5 steals kaya naman hinirang din siyang PBA Player-of-the-Week. Magkakaldagan sa unang laro ang Columbian at Rain or Shine sa alas-4:30 ng hapon. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.