top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2019 midterm elections, babaha ng datung!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2018
1 min read

TALIWAS sa unang ulat, pagka-senador ang takbo ni Atty. Harry Roque, Jr.

Free-for-all na talaga!

◘◘◘

TINANGKA raw patayin ang isang kandidatong gobernador sa Bicol.

Ayun, na-media siya!

◘◘◘

MAINIT ang laban sa pagka-gobernador sa Cavite.

Hindi sana dumanak ang dugo!

◘◘◘

MASAYA rin ang mayoralty race Maynila.

Babaha ng datung!

◘◘◘

IMBES senador, mayor ang tatakbuhin ni Inday Sara.

Eh, bakit?

◘◘◘

HINDI nagkasundo ang PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago.

Hintayin nating murahin sila ni P-Digong.

◘◘◘

KINAKASUHAN ng murder ang prinsipe ng Saudi Arabia.

Gusto nilang gumuho ang kaharian.

◘◘◘

IBUBUNYAG sa buwang ito ng joint venture ng ‘Pinas at China sa oil exploration sa Spratlys Island.

Walang kokontra!

◘◘◘

GINAWANG plataporma ni Mayor Christian Natividad ang pagkontra sa modernong airport na magpapalubog sa malaking bahagi ng Bulacan.

Klap! Klap! Klap!

◘◘◘

DUMARAMI na ang namumulat sa panganib ng pagtatambak sa ekta-ektaryang dating palaisdaan sa Obando, Meycauayan, Bulacan, Malolos, Paombong at Hagonoy.

Kapag tinambakan ng lampas-tao ang mga palaisdaan, lulubog ang tatlong “national highways” na bumabagtas sa Bulacan.

Ito ay ang old M.H. del Pilar national road mula Malolos hanggang Obando; MacArthur Highway mula Calumpit hanggang Valenzuela City at NLEX mula Pulilan hanggang Balintawak.

◘◘◘

HINDI sapat ang P1bilyong budget ng SMC sa sinasabing “water basin” na gagawin.

Hindi epektibo kahit dambuhalang kanal sa paglubog ng kapatagang-bayan sa Bulacan.

Pangako ‘yan!

◘◘◘

MALAKING isyu sa eleksiyon sa Bulacan ang modernong airport na magpapalubog sa mga ari-arian ng milyun milyong taga-Bulacan.

Imbes na umunlad, magdarahop ang mamamayan ng Bulacan sapagkat lulubog ang kanilang ari-ariang lupa, bahay at kultura.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page