top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tulong para sa dalawang mag-aaral na saksi sa pagkamatay ng kanilang guro sa Albay, ibigay!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2018
  • 2 min read

HUSTISYA ang sigaw ng pamilya, kaibi­gan, kapwa guro at mga estudyante ni Tea­cher Mylene Durante mula sa paaralan ng Oringon Elementary School sa bayang ng Pio Duran, Albay.

Si Teacher Mylene ay namatay matapos pagsasaksakin sa mismong eskuwelahan ng isang menor-de-edad na kasalukuyang nag-aaral din sa isa sa mga paaralan sa Albay.

Para sa ilang mga residente, estudyante at mga guro ng bayan, takot at pangamba ang kanilang nararamdaman.

Pero, ang masaklap dito, may dalawang Grade 6 student ang naka-witness habang pinagsasaksak ang kanilang guro kaya ipi­nag-utos umano ni DepEd Sec. Leonor Briones na siguraduhing nasa mabuting kalagayan ang dalawang mag-aaral at tiyakin na hindi hihinto ang mga ito sa pag-aaral.

Bagama’t, dahil sa trauma at takot na ka­nilang nararanasan sa kasalukuyan, kara­patan nila na mabigyan din sila ng tulong ng pamahalaan.

Bigyan sila ng assistance upang mabanta­yan ang kanilang pisikal at emosyunal na kalusugan.

Mainam na maiparamdam din sa mga bata na maraming poprotekta sa kanila kaya hindi na nila kailangang matakot o kabahan.

Kaya dapat nang isulong ang pagbibigay ng proteksiyon sa mga estudyante at guro sa mga liblib na lugar upang masiguro ang kanilang seguridad at mailayo sila sa kapaha­makan.

Huwag natin hahayaang wala tayong ma­gagawa para maibigay sa kanila ang tulong na kanilang kinakailangan.

Samantala, hiling natin na sana ay mapag­bayaran na rin ng maysala o suspek sa kri­men ang kanyang ginawa nang sa gayun ay makamit na ng pamilya ng biktima ang katarungang dapat na maibigay sa kanila.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page