Sa TESDA, libre na ang pag-aaral, may allowance pa!
- BULGAR

- Oct 17, 2018
- 1 min read
Mga ka-TESDA, kung kayo ay nagnanais makakuha ng TVET Programs, wala kayong dapat gawin kundi ang pumunta sa mga opisina ng TESDA na sa inyong lugar upang mabigyan kayo ng buong detalye.
Tanong: Magandang araw! Nais kong malaman, paano kung hindi ako eligible kumuha ng libreng TVET programs na may kalakip na benepisyo, wala na bang ibang paraan para makapag-training dito?—0995 7897***
Sagot
Mga ka-TESDA, ang learners na hindi eligible na kumuha ng free TVET benefits ay pagbabayarin para sa training at iba pang training-related cost na kikilalanin ng TESDA Board na ipo-post sa TESDA website kasama ang free TVET registry ng quality-assured training programs per region.
Tanong: Magandang araw! Kung ako ay makakukuha ng free TVET programs, anu-ano ang mga libreng makukuha bukod sa training?
Sagot
Mga ka-TESDA, ang mga benepisyong matatanggap ay ang mga sumusunod: Living allowance (P160/day), instructional materials allowance (P5, 000/qualification), National Competency Assessment, starter toolkit at accident insurance.
Mga ka-TESDA, walang mararating ang inyong hiya kaya tanggalin na ito at mag-apply na sa mga kursong bukas sa TESDA. Mas maaga, mas marami kayong mapagpipilian ng sa gayun ay mapalawak ang inyong pagdedesisyon at maisipan ninyo ng maayos kung ano ang inyong gusto.




Comments