Search
  • BULGAR

Protektahan daw ng gobyerno ang LGBT, ipokrito naman…SIGAW NG MADLANG PIPOL: SI VICE MISMO ANG NANLA

Janice DS Navida / SHOWBIZ SPECIAL

BILANG gay icon, nananawagan ngayon si Vice Ganda sa mga senador natin, partikular na kina Senate President Tito Sotto at Sen. Joel Villanueva na aprubahan na ang Anti-Discrimination Bill o SOGIE Bill (Sexual Orientation, Gender Identity and Expression) na sumasaklaw sa pagkakaroon ng pagkaka­pantay-pantay o equality ng bawat isa.

Sa It’s Showtime nu’ng Lunes, umapela si Vice na bigyang-pansin ang naturang bill dahil sa hirap daw na dinaranas ng mga tulad nilang members ng LGBT. Kasama na nga rito ang kalituhan kung anong CR ang puwede nilang gamitin dahil kapag nasa public place sila, ‘di nila malaman kung sa pambabae o panlalaking CR papasok para ‘di mahusgahan.

At kahit daw sabihin pang tanggap na rin ngayon ang mga bading at tibo, napi-feel nilang ‘di pa rin sila welcome, kaya hiling niyang magkaroon sila ng lugar sa lipunan na ma­­gi­ging komportable sila.

Hinaing pa ni Vice, “Ewan ko, sa Pilipinas na lang walang ganyan, ‘di ba? Parang naka­kaawa naman ang Pilipinas. Lahat ng ibang bansa, may mga Anti-Discrimination Law.

“Sa Japan nga, kakaibang batas na naman nila para sa LGBT, ang advanced. Dito, parang napaghu­huli­han na ho tayo.”

Marami ang natuwa at sumuporta kay Vice sa adbokasiya niyang ito para sa mga members ng LGBT.

However, may hirit pa rin ang ilang netizens kay Vice na sana raw, isulong na rin ng komedyante ang batas na magbabawal sa pagbibiro sa hitsura ng isang tao na madalas gawin ng komed­yante makapagpatawa lang.

Sey pa ng ilang netizens, ipokrito si Vice dahil siya pa nga raw ang nangungunang puma-punchline at ‘pinaglalaruan’ ang hitsura ng mga becki sa Miss Q&A ng It’s Showtime, tapos ngayon ay sumisigaw na ipasa na ang Anti-Discrimination Bill para maprotektahan ang karapatan nila at hindi sila maapi at mapagtawanan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.