Search
  • Jeff Tumbado

Pinasok sa bahay, ginapos, binusalan | 55-ANYOS NA GURO NIREYP, KINATAY

ISANG Grade 3 teacher ang natagpuang patay sa loob mismo ng kanyang ti­nutuluyang apartment sa Passi City, Iloilo.

Nakahandusay sa sahig at duguan nang madatnan ang 55-anyos na biktimang si Ma. Corazon Tionson.

Sa naisumiteng report kay Police Supt. Arturo Ful­lero, nadiskubre ang biktima na nakagapos ang mga ka­may, may busal ang bibig at hubo’t hubad.

Lumalabas sa pagsusuri na maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at basag ang ulo ng biktima na umano’y mula sa paulit-ulit na pukpok ng matigas na bagay.

Posible rin umanong gi­nahasa ang biktima. Nakilala naman ng pulisya ang sus­pek sa karumal-dumal na kri­men na si June Aguilar al­yas Winwin, isang ex-convict.

Matapos ang krimen, ti­nangay umano ng suspek ang pera, alahas at cellphone ng biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.