top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Onli in da Pilipins na ang mga mandarambong, nananalo pa rin sa eleksiyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 17, 2018
  • 2 min read

MGA PLUNDERER, IBINOBOTO NG MGA ‘BOBOTANTENG’ PINOY— Sa Amerika, tapos ang political career ng pulitiko kapag nasangkot ang pangalan nito sa katiwalian.

Sa Japan, nagpapakamatay dahil sa kahihiyan ang mga pulitiko kapag nasangkot ang pangalan nito sa katiwalian.

Pero sa Pilipinas, ang mga plunderer ay nananalo pa rin sa eleksiyon kasi ibinoboto pa rin sila ng mga ‘bobotante’, este, mga botanteng Pinoy, boom!

◘◘◘

HINDI PA KONGRESISTA SI MOCHA, PERO KILOS-TRAPO NA SIYA— Noong asec. pa ng PCOO si Mocha Uson ay galit na galit ito sa mga partylist na bumabatikos sa gobyernong Duterte at nanawagan din siya noon na dapat daw ay buwagin na ang mga partylist.

Ito na ang siste, nang mag-umpisa na ang filing ng certificate of candidacy ng mga sasabak sa 2019 elections, kumandidato si Mocha bilang representante ng AA-Kasosyo Partylist.

Hanep si Mocha, hindi pa nagiging congresswoman, eh, kilos-trapo na, pwe!

◘◘◘

MGA BALIMBING NA PULITIKO, HINDI NAKATITIYAK NG SUPORTA KAY P-DU­TERTE—Ang sabi ni P-Duterte, wala pa raw siyang final list ng mga kandidato na kanyang susuportahan.

Aba teka, hindi ba, dapat bilang chairman ng PDP-Laban, dapat suportado ni P-Duterte ang lahat na kandidato ng kanilang partido?

Dahil sa statement na ito ni P-Du­terte, malamang, kakaba-kaba na ang mga balimbing na pulitiko, lalo na ‘yung mga dating Liberal Party na naglundagan sa partidong PDP-Laban ni P-Duterte, kasi hindi pa pala sila nakatitiyak na kabilang sila sa mga manok ni P-Duterte sa eleksiyon, boom!

◘◘◘

OIL PILFERAGE SYNDICATE NINA ‘VIOLAGO’ AT ‘DAN BURIKI’ SA STAR TOLLWAY, ‘UNTOUCHABLE’— Wala raw aksiyon ang pulisya sa lantarang operasyon ng “Oil Pilferage Syndicate” o “Paihi Gang” nina “Violago” at “Dan Buriki” sa kahabaan ng Star Tollway na nakasakop sa Sto. Tomas, Tanauan, Malvar, Lipa, San Jose, Ibaan at Batangas Cities, pawang sa Batangas.

Dahil “nganga” ang pulisya sa sindikatong ito, lumalabas din na “untouchable” sa jurisdiction ni Batangas PNP Director Edwin Quilates ang raket nina “Violago” at “Dan Buriki”, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page