top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

MAYWEATHER, PUMATOL SA PAGHAMON NI NURMAGOMEDOV

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2018
1 min read

PUMATOL si US box­ing champion Floyd May­­weather sa panawagan at paghamon ni UFC fighter Khabib Nurmagomedov na magsagupa sila.

Agaran ding nanawa­gan sa kanyang social me­dia account si May­weather sa boxing promo­tions na ikasa na ang ka­nilang bakbakan.

Si UFC fighter Conor McGregor ang huling na­kasagupa at tinalo ni May­weather noong Agos­to 2017. Nag-request pa si Mayweather sa kanyang post kung paano dudu­mu­gin ng fans ang laban nila sa Las Vegas.

Matatandaan namang nagkagulo sa laban nina Khabib at McGregor sa UFC 229 noong nagda­ang Linggo kung saan ni­lusob ng tropa ni Khabib si Conor sa ibabaw ng ring.

Dahil dito ay nanawa­gan si Mayweather na dapat parusahan ang na­sabing Russian fighter. Sa kabila nito ay hinamon ni Khabib si Mayweather na sila na lamang ang su­sunod na maglaban dahil pareho silang undefea­ted, kung saan si May­weather ay may 50 panalo at wa­lang talo habang si Nur­magomedov ay may 27 wins. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page