top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Liderato sa Customs watak-watak, kaya problema sa drugs, nganga!

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2018
1 min read

NAHAHATI sa iba’t ibang paksiyon ang liderato sa Adwana.

Paano ninyo masusupil ang illegal drugs kung kayo ay watak-watak?

◘◘◘

NAG-UUPAKAN sa media sina alyas Mangawang at alyas DepCom Not Prudent.

Kumbaga, may giyera sa Bureau of Customs!

◘◘◘

AYON sa ating texter, parehong gustong makabalik sa puwesto sa Bureau of Customs ang dalawa kaya panay ang pa-media nila para siraan ang isa’t isa.

Nasa floating status kasi si alyas Mangawang kaya ngawa nang ngawa.

◘◘◘

AKTUWAL na sinibak ni P-Digong ang DepCom kaya rumeresbak ito at pumapapel kay BOC Chief Isidro Lapeña.

Umaasa siya na makababalik kahit clerk o dyanitor.

◘◘◘

NAIS ni alyas Mangawang na magiba si Lapeña para makaeksena siya.

Ang modus ay maglabas ng fake news at black propaganda!

◘◘◘

MALAKI na ang nauubos sa paninira kay Lapeña.

Pero, hindi pa rin ito tumatalab kay P-Digong.

◘◘◘

MATAGAL nang itsinitsismis na sisibakin si Lapeña.

Pero ‘yun, lalo itong naging matatag sa poder.

◘◘◘

DAPAT ng tumigil sa bangayan sina alyas Mangawang at ang nasibak na DepCom.

Hindi makatutulong sa BOC ang isang diskarte.

Kumbaga, bistadung-bistado kayo!

◘◘◘

TRYING hard ang dalawang ito na makabalik sa Adwana.

Sobra-sobra na ang itinago ninyong ‘yaman’, kailangan pa ba itong dagdagan?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page