Search
  • BULGAR

LAKAS NG CELTICS AT NEW LAKERS, NBA LEBRON ERA, BUBUKSAN NA


ASAHAN na ang mainit na aksyon sa pagbubukas ng bagong season ng pinakasikat na liga ng basketball sa buong mundo ang NBA tampok ang ilang koponan na nagpalakas noong offseason.

Magsisimula na muli ang prestihiyosong liga ngayong Miyerkules (Oktubre 17), live sa S+A ng 8 a.m. na sisimulan ng banggaan ng Philadelphia 76ers ni Joel Embiid kontra Boston Celtics na makakasama na ang kanilang All-Stars na sina Kyrie Irving at Gordon Hayward na parehong nagtamo ng injury noong naka­raang taon. Samantala, hin­di na maka­paghintay ang Pinoy fans ng Los Angeles La­kers dahil maki­kita na rin nilang mag­laro para sa kani­lang kopo­nan ang pinaka­malaking is­dang na­bingwit nila, wa­lang iba kundi si LeBron James.

Makakasama ng tinaguriang “King” ang mga batang manlalarong tulad nina Lonzo Ball, Brandon Ingram at Kyle Kuzma para ibalik ang Lakers sa mapa ng kampeonato na magsisimula kontra Portland Trailblazers nina Damian Lillard at CJ McCollum sa Biyernes (Oktubre 19) live ng 10:30 am.

Magbabalik ang Boston Celtics sa katapusan ng linggo para harapin ang Toronto Raptors at New York Knicks. Haharapin nina Kyrie Irving ang bagong superstar ng Raptors na si Kawhi Leonard sa Sabado (Oktubre 20) sa “NBA SabaDos” sa ABS-CBN. Kinabukasan (Oktubre 21), makakalaban nila ang New York Knicks na ibabandera ang kanilang ninth-overall pick sa nakaraang draft na si Kevin Knox sa Madison Square Garden sa S+A ng 7:30 am.

Sa Lunes, matutunghayan ng NBA fans sa bansa ang pagbabalik-aksyon ng Western Conference finalist na Houston Rockets kontra sa Los Angeles Clippers, live ng 9 am. Si Tobias Harris ang mangunguna sa Clippers, habang patuloy na aasahan ng Rockets ang All-Stars na sina James Harden at Chris Paul at inaabangan din kung ano ang maiaambag sa kanila ng kapwa All-Star na si Carmelo Anthony.

Samantala, magtatapos naman ang opening weekend sa labang Boston-New York sa Linggo (Oktubre 21) ng 7:30 am, at Houston Rockets-Los Angeles Clippers ng Lunes (Oktubre 22) ng 9 a.m. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.