Kelot dedbol sa shootout
NORTH COTABATO—Isang armadong lalaki ang namatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad, kamakalawa sa Bgy. New Caridad, Talunan sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Rogelio Ubas, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng mga awtoridad ang bahay ni Ubas sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte dahil sa impormasyon na may mga baril ito sa kanilang tahanan, pero bigla umanong pinaputukan ng suspek ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.





Comments