top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Inipit sa CP | HAYSKUL TIKLO SA DRUGS

Alvin Murcia
Oct 17, 2018
1 min read

ARESTADO ang 18-anyos na estudyante maka­raang mahulihan ng iligal na droga sa Marikina City.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni EPD Director, Chief Supt. Bernabe Balba, tinukoy ang suspek na Grade 8 sa Jesus dela Peña Natio­nal High School sa Bgy. Je­sus dela Peña.

Nakatanggap ang pu­lisya ng tawag mula sa na­sabing paaralan kaugnay sa estudyante na nahulihan ng isang pakete ng marijuana na inipit sa cellphone nito at dala sa loob ng silid-aralan.

Nauna rito, sinita umano ang estudyante dahil sa da­lang cellphone na ipinagba­bawal sa loob ng paaralan.

Gayunman, nang siya­satin, napansing makapal ito kung saan nakita ang tuyong dahon ng marijuana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page